blog ko to dahil blog ang mundo!!!!

Thursday, July 28, 2011

horoscope 2011 by madame xiaoyu


sa mga may birthday
lucky color : Chartreuse
lucky number: 911 11 11
subukan mong i dial sa phone magkaka pizza ka promise

Aries
march 21-april 19

tuwang tuwa ka dahil nalaman mong hindi sila ng crush
mo at nung babaeng akala mo gf nya. wag kang matuwa dahil
hindi rin naman kayo.

Taurus
april 20-may 20

wag kang mainis kung tinutukso kang kabayo.hindi totoong tao
ka na mukhang kabayo kundi isa kang kabayo na mukhang tao
nasa pagiinterpret lang yan.

Gemini
april 21-june 21

good news di ka na tutubuan ng tigyawat. bad news dahil wala
na itong mapaglagyan sa iyong mukha

Cancer
june 22-july 22

wag kang maniniwala na panget ka sa tuwing tumitingn ka sa
salamin. tandaan mo ang sinabi sayo ng nanay mo "pogi ka".
tandaan mo lamang yon. pogi ka! pogi ka! pogi!

Leo
july 23-august 22

maswerte ka ngayon araw na ito.makakapulot ka ng pera.
wag ka masyadong matuwa piso lang naman ito.

Virgo
august 23-september 22

ngayong araw na ito matutuklasan ng tatay mo na isa ka palang
halamang dagat na kabilang sa federasyon ng mga darna. wag
kang matakot di ka sasaktan ng tatay mo me make up-an ka lang
naman nya para pwede ka ng rumampa.

Libra
september 23-october 22

nalulungkot ka kasi ayaw kang pansinin ng crush mo try mo magpakalbo
ngunit magtira ng isang pirasong buhok ,pagpakulay ng buhok sa kilikili
na kulay violet katulad ng kay lady gaga, ipakulot ang bangs sigurado akong
mapapansin ka nya. nasa pagdadala lang yan.

Scorpio
october 23-november 21

hindi ka naniniwala sa aswang dahil hindi ka pa nakakakita nito. ngayong
araw na ito makakakita ka ng aswang sa pamamagitan ng pagtingin sa
salamin.

Sagittarius
november 22-december 21

wag mong isiping maganda sila maiinis ka lang.
wag mong isiping maganda ka mahihirapan ka lang
maghanap kung saan banda.

Capricorn
december 22-january 19

sobrang bait mong bata at dahil don nabobored ka na sa iyong buhay.
tips para maiba ang araw mo.
1. magbilot ng papel tapos batuhin ang teacher sa harapan tapos
ituro ang katabing kaklase.
2. pindutin ang fire alarm tapos sumigaw ka ng "sunog!" .
3. pagbuhol buholin mo ang mga sintas ng sapatos ng mga kaklase mo.
4. pagnakita mong natutulog ang kaklase mong babae itali ang kanyang
buhok sa silya o di kaya sa buhok ng isa mong kaklaseng babae.
5.ipunin ang sipon pagkatapos ay isabaw sa kanin kapag lunch

marami pa yan just be creative.

Aquarius
january 20-february 18

matatagpuan mo ngayong araw na ito ang iyong soulmate.
clue: may dimple siya sa pwet

Pisces
February 19-march 20

magingat ka sa pagmamaneho dahil nagaalala ang tatay mo
hindi sayo kundi sa kotse nyo.

"ako po si madame xiaoyu na nagsasabing, hindi hawak ng mga bituin ang ating kapalaran gabay lamang sila meron tayong free will gamitin natin ito"