umagang umaga ng 10:00 nuong huwebes oct 11, 2007 ng bulabugin ng malakas na ingay ang aming klase ng filipino mula sa labas ng aming eskwelahan. hindi kami dumungaw kasi kasalukuyang nagkaklase . Pagdating ng katanghalian bumalik na naman dumungaw na kami at tinanong ko sa kaklase ko kung ano ba yon bakit ba sila nagpaparada at nagiingay. fraternity pala yon ng taugama at aniversary yata nila kaya nagpapapansin.... pabalik balik sila may mga hawak na dos por dos habang nagiingay..... nagsalita yung kaklase ko mula sa aking likuran na parang gustong sumali sa ganyang fraternity. ang sabi ko naman "pa fraternity fraternity pa sila bakit may nagagawa ba silang maganda?" maraming nagreact sa mga kaibigan ko tila natuwa sa sinabi ko sabi pa nga ni jaye "ruth for president!" hehehe..... which is i think totoo naman ang sinabi kong iyon kahit di ko pa nararanasan ang magkafrat at wala naman akong balak lalong lalo na sa mga ganyang klase ng organization dahil wala naman akong nakikitang magandang dahilan.
naalala ko tuloy ang high school days ko sa bulihan. fyi bulihan silang cavite ay kinatatakutang lugar lalong lalo na daw sa phase two. sabi kasi ng tita ko dyan daw tinambak yung mga galing tondo. nung high skul pa ako, kada camping namin sa skul laging may barilan at syempre may namamatay... gagraduate na nga lang ako nagkabarilan pa. dahil yon sa mga gang war sa school. naisip ko tuloy "may kinabukasan pa kayang kahahantungan ang mga kabataang ito o sa ataul na deretro nito?" nakakatuwang biro pero totoo naman. isa nga sa mga biktima ng fraternity na yan ay ang pinsan ko kaya yon sakit ng ulo ng lola ko di alam kung san ididistino dahil anytime pwede syang tirahin ng mga kaaway nila... sinira lang ng fraternity ang buhay niya....
marami ng napahamak ang mga ganyang klase ng samahan. sa hazing pa nga lang may namamatay ng mga kabataan. ang alam ko sa up legal ang fraterntiy. sabi pa nga ng kakilala ko di daw makakagraduate sa up pag walang frat.
di ko naman sinasabi na masama ang frat may mga samahan din namang may magandang layunin kaya alamin muna natin kung ano bang klase ng samahan ang nais nating samahan. kung dadalhin ba tayo nito sa mabuti o masama. yes may freedom nga tayo sa mga bagay bagay. freedom of speech, freedom mag tayo ng kung ano anong organization at sumali dito, pero may freedom din tayong mamili. a freedom to do good or bad......
blog ko to dahil blog ang mundo!!!!
Saturday, October 6, 2007
Subscribe to:
Comments (Atom)

